• Uncategorized

SOURCE: Veritas 846 PH

viva_filipinas_TheCentralTemple

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na ipanalangin ang pamilya Manalo kaugnay na rin sa nagaganap na hindi pagkakaunawaan sa Iglesia ni Cristo.

Ito ang panawagan ni CBCP President Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, bilang tugon na rin sa hiling ni Felix Nathaniel ‘Angel’ Manalo at ina nitong si Tenny.

Aniya, ang panalangin ay marapat lamang na igawad sa sinumang humihiling nito, maging iba man ang kanilang pananampalataya.

“Si Ka Angel po ay nanawagan ng panalangin. Ang sinumang humihingi ng panalangin ay dapat na ipanalangin, regardless of condition, of nationality, of belief. Kung sinumang humingi ng panalangin ay kailangang ipagdasal. Pangalawa, sabi niya nasa panganib sila. Ang sinumang tao na nasa panganib ay kailangan nating alisin doon sa kanilang sitwasyon ng panganib at kailangang ilagay sila sa ligtas na katayuan. Sana ‘yung panawagan nila ay sagutin natin ng buung buong tulong na maibalik sila sa buhay na mapayapa at ligtas.” ayon sa pahayag ni Villegas.

Dagdag pa niya, nawa ay malagpasan ng pamilya ang kanilang pinagdaraanan at hindi makaapekto sa buhay ng ibang tao.

Kamakailan lamang ay nagpahayag si Ka Angel ng tulong sa kanilang mga kapatiran dahil sa aniya’y nagaganap na katiwalian sa Iglesya at paggamit ng abuloy ng mga miyembro sa hindi naman kailangan ng samahan, partikular na ang pagpapatayo ng Philippine Arena sa Bulacan.

Sa pahayag ni Ka Angel Manalo, sinabi nito na hindi niya kinakalaban ang kaniyang kapatid na si Eduardo, ang pangkalahatang pinuno ng Iglesia, sa pamamahala kundi nagiging suliranin aniya ang mga nasa paligid nito. endtag

Use Facebook to Comment on this Post